Reds Care

Addressing the menace of redscare, redbaiting and red herrings

About Me

User: constantflux
We are young Filipinos who dream of a better Philippines.

  • Contact me
  • My profile
  • Linkme

Links

Counter

visited *loading* times

Tuesday, 13 June 2006

A tragedy: Anti-GMA intellectuals fall prey to GMA's communist bogey

One of the Arroyo government's motives in its ongoing attacks on the legitimacy of the Left (as displayed by resurgent redbaiting,  the political slays and the trumped up charges against activist leaders) has become clear. Not only is it an attempt to brutally disenfranchise the Left from politics, but also a smokescreen, a diversion, so that the people, especially those seeking the illegitimate leader's ouster would have their attention divided.

Look at how it has affected some conservatives in the broad anti-Arroyo movement. They did not raise even a whimper over the (continuing) spate of killings of  activists, and worse they parotted the same mindless anti-communist trash being spread by the likes of Norberto Gonzales and Romeo Intengan. These burgis intellectuals better control and hopefully overcome their biases against the Left so that next time GMA raises the Red bogey, they would not fall to the trap and refuse to be GMA's fascist echoes.

In the name of civil liberties and human rights, all Filipinos should denounce each and every politically-motivated murder, massacre, abduction or any other attack on anyone or any group perceived by Mrs. Arroyo as her enemy. We should assert everyone's right to be considered innocent until proven guilty, to be free from illegal and warrantless arrests, to be free from political persecution. We may disagree on how we view the problems besetting the nation and the long term solutions we pursue, but that should not hinder us from uniting to assert the most fundamental liberties every citizen should enjoy.

For indeed, the Left is not the enemy. The real enemy, at this time, is this usurper Gloria Macapagal Arroyo.

posted by: constantflux at 16:51 | link | comments (1) |

Saturday, 10 June 2006

What we've learned: MLQ3

Hindi maikakaila ang popularidad ni Manuel L. Quezon III (MLQ3) sa "blogosphere" at sa mga talakayang pulitikal sa internet. At, oo, maging sa hanay ng mga aktibista ay maraming mga tumatangkilik sa kanyang blog sa iba't ibang mga dahilan. Tinaguriang pa ngang "favorite bourgeois blogger" ng isang prominente ding batang lider ang historian bilang pakutyang tugon sa kanyang pagtukoy bilang "favorite communist blogger" sa isang aktibistang manunulat.

Kaya naman hindi iilan ang nadismaya sa kanyang entry na What we've learned: the National Democrats, na may link sa artikulo niyang Why most Filipinos don't care that Leftists are being killed. Hindi naman dahil sa dati siyang malapit sa mga aktibista o malapit ang paninindigan at pagsusuri niya sa lipunan, kundi, marahil, para sa ilan, ipinakita ng arikulo ang matinding bias ni Quezon laban sa Kaliwa, na dati rati'y hindi ganoon katatas na isinasatitik o hindi pa malaganap na nababasa.

(Dati nang iwinasto ni Quezon ang kanyang pagtatangi sa mga aktibista bilang "komunista" bilang tugon sa komento ni Mong na ito ay maglalagay sa pahamak sa mga aktibista lalo na sa panahon ng matinding represyong pulitikal. Mula noon ay "National Democrats" na ang piniling kataga ni Quezon para tukuyin ang mga aktibista - isa pang dahilan para sa pagkagulat ng ilan sa pagtatanggal ng kanyang "liberal" na postura at lantad na pagtutukoy ni Quezon sa mga "komunista" sa kanyang artikulo.)

Sinong hindi nababahala?

Hindi naman talaga lantarang anti-kaliwa ang mga katagang isinatitik ni Quezon sa kanyang akda. Gaya ng isang "iskolar" o "obhetibong" kolumnista, sinikap na matamisan na parang kendi ang kontra-pulang akda. Pero hindi nito kinayang pagtakpan ang mapait na kaibuturan ng mensahe.

Sa artikulong Why most Filipinos don't care that Leftists are being killed, magsisimula si Quezon sa paglalahad na maraming pinapatay na Komunista at mga manunulat sa Pilipinas at, oo, may "ilang mga taong" nababahala sa pamamaslang na tumatarget hindi sa mga rebeldeng may armas kundi sa mga pumipiling makipagbuno sa ligal na pulitikal na pamamaraan.

Pero sa umpisa pa lamang, makikita na marahil isa nga sa mga hindi nababahala ay si Quezon. Nakalimutan niya, marahil sa sobrang pagdidildil sa pag-aaral ng kasaysayan, na hindi lang naman ngayon pinapatay ang mga nasa ligal at lehitimong pakikibaka, matagal ng target ng mga asasinasyon, noong pa mang panahon ni Cory, ang mga aktibista.

Ang kapansin-pansin sa kasalukuyan ay ang walang kapantay na dami at dalas, at pagiging garapal ng mga kaso. Nakalimutan niyang idiin, sa pagmamadaling ibungad ang kanyang anti-komunistang damdamin, na aabot sa kagilagilalas na bilang ang extra judicial killing na lapas 600 simula 2001 at lagpas 300 dito ay mga lider pampulitika.

Para matuto, magtanong ng tama

Ang tanong ni Quezon: bakit hindi nababahala ang karamihan?

Hindi mawari kung saan nakuha ni Quezon ang kanyang tesis (isang sikreto marahil ng mga kolumnista, na gawing "patanong" na para bang given fact ang sa totoo'y kanilang mga puntong gustong sabihin at patunayan) na hindi nababahala ang karamihan ng mamamayan sa pagpaslang. Samantalang sa pagdampot lamang ng kanyang "paboritong pahayagan" na Philippine Daily Inquirer, makikita na ang malawak na interes na inilalaan sa usapin. Ilang araw sa isang linggo, ang tutok ng balita ay ang mga kaso ng pamamaslang. At dahil dito'y napilitan na ngang maghabi ng sari-saring kwento ang pamahalaan para lamang mapagtakpan ang pananagutan nito sa usapin.

Si Amado Doronilla, isang kolumnista sa parehong dyaryro, kaiba kay Quezon (na kolumnista din sa PDI), ay naghahayag na ang usapin ay maaaring umabot na sa puntong kasinghalaga ito ng Garci controversy. At hindi rin katulad ni Quezon, ibinubunton nito ang turol sa pangarap ng rehimeng magpaka-diktador. Ang usapin din ay bibitbitin na bilang isang mayor na usapin sa kaso ng impeachment na ihahapag ng minorya sa kongreso sa Hulyo, gayundin, hindi maikakaila ang malakas na suportang internasyunal sa paglaban sa pamamaslang.

Ang ating natutunan sa mataas na paaralan, upang matuto, kailangan matutong magtanong. Pero upang matuto ng tama, kailangang tanungin ang tamang mga tanong.

Hindi ba't ang dapat tanugin ay kung bakit umaabot sa ganitong desperasyon ang gubyerno? Kung bakit may patakaran ng pagpaslang sa mga di-armado? Kung bakit napakaraming namamatay sa isang lipunang tinuturingang "malaya" at "demokratiko"? Kung bakit tila mga asong ulol at mga bampirang uhaw sa dugo ng mga kalaban nito sa pulitika (komunista man o hindi, matatandaan ang kaso ng Erap 5) ang rehimeng Arroyo?

Ang mga natutunan (mula kay Palparan)

Matapos ang pagtatanong, ang paglalahad ng kanyang "mga natutunan": sa simpleng pagsusuma, ang dahilan ni Quezon kung bakit wala siyang (o ang karamihan, kung ating pagkakatiwalaan ang kanyang pagtaya) nadaramang matinding pagkabahala, ay dahil sa, sa kanyang mga kataga, "ang mga nabubuhay sa patalim, namamatay sa patalim," kasabay ng pagsasabing ang mga "Komunistang" ligal, na nagsasagawa ng mga teach-in sa skwela ay pareho rin ang pinag-aaralan sa mga tagabundok. Na maraming sinalanta ang pag-"purga" ng mga Komunista, na marami ng "pinagdusahan" ang mga Pilipino sa mga Komunista.

Kulang na lamang ay sabihing ang lahat ng mga aktibista -- rebeldang nasa bundok, mangaggawa, magsasaka, estudyante, guro, pari, abugado, mamamahayag, halal na kongresista, konsehal, mayor --- ay mga halimaw at mga salot: mga "aral" na maaaring mapulot sa magdamag na pakikinig sa radio program ni Jovito Palparan at kanyang mga berdugong nakamotor at naka-hood.

Tama ang sinabi ng isang kaibigang kolumnistang si Teo Marasigan, sa kanyang paglalarawan sa mga ang mga anti-Kaliwa:

"Para sa mga taong ito, ang mga komunista ay hindi pwedeng umiral sa lipunang demokratiko at hindi rin pwedeng gumamit ng mga umiiral na batas. Una sa kanila ang pagiging anti-komunista, hindi ang pagiging taguyod ng demokrasya o batas. Katulad ng mga relihiyosong papatay ng mga hindi naniniwala sa Diyos, matatanggap lamang nila ang pagpapahayag kung hindi nito hahamunin ang itinakda nilang hangganan nito. Kahit pa ang ipinaglalaban ng isang grupo ay kalubusan ng demokrasya at ng diwa ng batas."

Pero sa artikulo niyang ito, hindi si Quezon ang kanyang tinutukoy kung hindi si National Security Adviser Norberto Gonzales. Habang may mga panahong tinutunggali ni Quezon si Gonzales, marahil sa usaping ito, nasa iisang panig sila.

Mga aral sa pakikipagkaisa

Sa kanyang blog entry din, isa sa mga isinisisi niya sa kawalan ng malawak na pagkakaisa laban kay Arroyo ang aniya'y pagiging "sobrang agresibo" ng Kaliwa. Hindi natin malaman kung anong "miting" ang naupuan ni Quezon, pero makikita sa mga kaganapan noong nakaraang taon ang pagsisikap ng kaliwa na umabot sa pinakamaraming grupo para sa kampanyang pagpapatalsik.

Kung tutuusin, nawiwili na nga ang mga aktibista sa pagrarali sa mga "ligtas" o "hindi komprontasyunal" na mga pinagdarausan ng protesta gaya ng EDSA, Ayala, Liwasang Bonifacio at Plaza Miranda simula noong Hunyo na pinansin din ni Doronilla na unti-unti nang ibinabalik sa tarangkahan ng Mendiola ngayong Mayo Uno. Matapos ang ilang malalakihang mga "street party," aniya, ang tradisyong ito ng kaliwa ng militanteng paglaban, higit sa lahat, ang nagbibigay ng pangamba sa rehimen.

Hindi maunawaan ang konklusyong ito, kasabay ng pagbanggit na ang pamamaslang sa mga aktibista, sa pakiwari ni Quezon ay nagpapaluwag sa pagkakasundo ng iba't ibang mga grupo. Una, wala namang nakikitang signipikanteng pagkakaisa ng iba't ibang mga grupo sa kasalukuyan, kung mayroon man, kailangang tanungin kung ang mga pagkakasundo ay may pinatutunguhan, at pangalawa, kailangang ikwento kay Quezon na ang pangunahing kumilos para sa pangunguna sa "malawak na mga pagkakaisa" sa maraming pagkakataon ay ang kaliwa din. Sa tuntungan ito ng simpleng katotohanan na ang pinakamalaki sa mga nakakapagpakilos sa lansangan sa mga sustinido, mulat at organisadong kilusang masa ay ang kaliwa din naman.

Sa pag-aatubiling birahin ang kaliwa, nakalimutan ni Quezon na tanungin at suriin ang dahilan kung bakit nga ba ginagawa ito bilang pambansang patakaran ng rehimen. Hindi lamang dahil "natural" na lamang na patayin ang mga aktibista dahil "salot" sila, hindi rin dahil sa nasa "pagrurok ngayon ng siklo ng pamamaslang" gaya ng sinasabi ni DOJ Sec. Gonzalez. Hindi rin dahil sa (ayon kay Quezon) wala ng signipikanteng paglakas ang kaliwa at ang tanging nalalabing gawin ay patayin ang mga kasalukuyang natitira. Matagal ng sinasabing tatapusin ang kaliwa pero hindi naman kailanman nagtagumpay ang gubyerno. Kundi, pangunahin, dahil ngatog ang tuhod sa pangamba ang rehimeng Arroyo na sa pangunguna ng kaliwa sa malakas na kilusang masa ay mapatalsik ito. Kaya para dito, isa sa mga huling baraha na sa tingin niya ay tatapos sa gulugod ng kilusang protesta laban sa kanya ang pagdurog sa kaliwa.

Tiyak na wala ring panahong magbunyi si Quezon kung ipagpapalagay na mapaatras o malipol ni Arroyo ang kaliwa sapagkat oras na ito ay mangyari, parang maning pupulutanin ni Arroyo ang mga "panggitna" kagaya nilang walang sinasandigang kilusang masa, sila ang siguradong isusunod ng ilusyunodang reynang nagmamala-diktador. Walang susuksukan silang nasa "gitna" kundi ang pagkompromiso sa rehimen o paglaho sa mukha ng pulitika. Patunay niyan ang walang pagsantong pagtortyur sa mga tagasuporta ni Estrada, at sustinidong pagbira kina Cory at sa iba pang oposisyon sa iba't iba pang pamamaraan. Kaya naman walang dahilan si Quezon at ang mga kagaya niyang "panggitna" na hindi mabahala.

Sa huli, kumabig ang kolumnista at itinuon ang atensyon sa trahedya ng Wowowee, sa pagnanais magdiin sa mensaheng: ang ating desperasyon din ang pumapatay sa ating mga kapwa at sarili. Sa kaso ngayon ni Quezon, hindi desperasyon kundi ang kanyang anti-kaliwa at peti-burgis na mga bias at nosyon ang naglalagay ng dugo sa kanyang mga kamay sa walang pakundangang mga pagpaslang sa progresibong hanay. ###

posted by: venceremos at 04:25 | link | comments |

Thursday, 08 June 2006

Para kay Manolo


Manolo, pasensya na kung sasabihin mong antagonistic itong comment ko. Humihingi na rin ako ng paumanhin sa iba pang may pakialam. Hindi po away ang hangad natin. Sumasagot lang.

Manolo, I thought you are Left-leaning. Hindi pala. Akbayan-leaning lang pala gaya ng sinabi mo (reference). Kaya pala lagi mong binabanggit na Komunista itong mga pinapatay ng Gobyerno. Parang wala ka ng pinag-iba sa Gobyerno mismo na laging sinasabing "communist fronts" itong mga organisasyong kinabibilangan ng mga pinapatay na taong sinasabi mo sa baba.

"Communists are being killed in the Philippines: That’s nothing new. The state has been killing them for nearly sixty years. What’s new is that the Communists being killed aren’t necessarily those waging revolutionary war in the hills; they are those who, officially, at least, prefer to establish Socialism with Philippine characteristics through non-revolutionary, ordinary, political methods." (reference).

Manolo, kailan ka ba matututo? Saan mo ba napulot ang ideyang mga komunista itong biktima ng political killings? Sa Gobyerno ba?

At hindi mo ba naiisip na habang sinasabi mo na "As political liquidations necessarily are, some of those who died were killed not because they were really, truly Communists or a danger to the state, but because someone, somewhere, labeled them Communists..." ay parang sinisigaw mo na rin na "Sige, patayin ninyo yang mga salot na iyan!"? Sinu-sino ba itong nila-label mo na "Communist engaged in “teach-ins” in Philippine schools", "Communists in the field, working in political parties or other legally-accepted movements", at "Communists ... who, officially, at least, prefer to establish Socialism with Philippine characteristics through non-revolutionary, ordinary, political methods"?

Manolo, ang isyu dito ay pinapatay ang mga indibidwal na pilit binabansagan ng Gobyerno na mga "komunista", mapalider-masa, aktibista, o ordinaryong mamamayan man sila. Pinapatay sila ng mga armadong pwersa ng Pamahalaan sa akusasyong sumisimpatya sila sa mga rebelde. Walang batas na sinusunod dito. Kailanman ay hindi nagiging tama sa mata ng batas ang pagpatay sa taong hindi pa nahahatulan ng korte na may kasalanan. Lalo na ngayong aalisin na ang Death Penalty.

Kaya dapat itigil na itong pagbansag na "communist fronts" sa mga legal na organisasyong nakikibaka para malinis itong Gobyerno at itong bansa natin at makausad na tayo tungo sa tunay na kaunlaran. At hindi lang ito pinapanawagan sa Gobyerno at kay Ginang Arroyo kundi pati na rin sa iyo, Manolo, at sa iba pang tulad mo na nagsasabing naghahangad din ng tunay na pagbabago sa ating lipunan. Hangga't hindi binabawi ng Gobyerno ang bansag na ito, hindi matatapos ang political killings at patuloy na dadami ang paglabag sa karapatang pantao dito sa bansa natin.

Kung sinasabi mong walang pakialam ang karamihan sa mga Pilipino, nagkakamali ka. Iilan lang naman ang walang pakialam. Iilan lang naman ang hindi naghihirap sa kasalukuyang kalagayan ng lipunang Pilipino. Ang karamihan ng Pilipino ay naghihirap sa buhay at halos wala ng oras para magpakita ng kanilang pakikialam pero nasa puso nila ang hirap ng mga lider at aktibistang nakikibaka para sa bayan. Ang karamihan ng Pilipino ay nasa kanayunan at patuloy na tinatakot ng mga armadong pwersa ng Gobyerno. Hindi lang nakikita ng dalawa mong mata na may pakialam sila. May pakialam sila dahil buhay din nila ang pinag-uusapan dito.

Wala lang silang panahon at kapasidad para magpost ng magpost sa blogs tulad ng ginagawa natin.

Pero tama ka sa huli, Manolo, na our "society is so mired in the fight for survival". Hindi ba't ang matindi nating pagkapit sa ating kasalukuyang maginhawang buhay, kung ikumpara sa mapait na buhay ng nakararaming Pilipino, ay isang paraan ng "fight for survival"?



















posted by: tagabundok at 16:32 | link | comments (2) |