Addressing the menace of redscare, redbaiting and red herrings
visited *loading* times
Ang sarap magsilbi sa bayan
New People's Army members are warmly welcomed and loved by the people who saw and felt that the NPA is the real soldier and protector of the people. The NPA serve the oppressed and exploited Filipino people, especially the peasants, by guiding them towards the right path to economic liberation. In return, the Filipino people is motivated to do all it can in order to achieve their democratic aspirations.
The Armed Forces of the Philippines, on the other hand, is doing the opposite. Under the command of the oppressors and exploiters, the big landlords and comprador bourgeoisie, the AFP is harassing the oppressed people who fight for their rights and freedom. The AFP, as a whole, serve the oppressors and the exploiters that is why the Filipino people hate them. This anti-people nature of the AFP is one reason why many AFP soldiers, who, in the first place, come from the oppressed and exploited classes, become disillusioned and ultimately side with the Filipino people in the battle against the oppressive and exploitative classes.
Komunista lang ba ang nagnanais ng pagbabago?
Maging kasama sa isang grupo na nagsusulat para sa bayan ay isang malaking karangalan. Kung ang mga sinusulat ko dito ay tatawagin ng gobyerno at ng mga kakampi nito na "propaganda ng mga komunista", hindi ko na iniintindi iyan. Ang mahalaga ay naipapaliwanag ko kahit papano sa mga nagbabasa ang mga bagay-bagay na kailangang unawain.
Ang pagnanais ng pagbabago sa lipunan para sa kalayaan at kaginhawaan ng nakararami ay hindi solo ng mga komunista. Alam ng mga komunista iyan. Sa totoo lang, sinabi ng dakilang komunistang lider ng Rebolusyong Tsino, si Mao Zedong, na
"Kung may mga pagkukulang man tayo, hindi natin ikinatatakot na matukoy at mapuna ang mga ito sapagkat naglilingkod tayo sa sambayanan. Ang bawat isa, sinuman siya, ay maaaring pumansin sa ating mga pagkukulang. Kung tama siya’y iwawasto natin ang mga ito. Kung makabubuti sa sambayanan ang kanyang mungkahi, ito’y ating ipatutupad. Ang idea ng “mas mahusay na hukbo at mas simpleng pangangasiwa” ay iniharap ni G. Li Ting-ming, isang di-Komunista. Nagharap siya ng mainam na mungkahing nakabubuti sa mga mamamayan, kaya sinunod natin ito. Kung sa kapakanan ng sambayanan ay ipagpapatuloy natin ang paggawa ng tama at pagwawasto ng mali, tiyak na uunlad ang ating hanay." (reference)
Si Li Ting-ming, isang mulat na panginoong maylupa na taga-hilagang Shensi, ay minsang nahalal na Pangalawang Tagapangulo ng Pamahalaan ng Hanggahang Purok ng Shensi-Kansu-Ningsia. Hindi siya komunista pero ang kanyang partikular na mungkahi ay hindi taliwas sa ninanais ng sambayanan, at ito ay pinaunlad ng mga komunista.
Sa tindi ng krisis ng lipunang Pilipino ngayon, hindi mo na kailangang maging komunista para kumilos tungo sa totoong pagbabago. Hindi ba't palaging sambit ng mga Trapo tuwing sasapit ang eleksyon ang salitang "pagbabago"? Alam kasi nila na ang mga Pilipino, lalo na iyong matagal ng naghihikahos dahil na rin sa patuloy na pananatili ng mga Trapong ito, na walang ibang hangad kundi kamkamin ang kayamanan ng bansa, ay matagal nang naghahangad ng pagbabago.
Kaya isang mahalagang tungkulin ng sinumang gustong maglingkod sa sambayanan, komunista man o hindi, ang patuloy na pagpapaliwanag sa masang api tungkol sa totoong problema at kung paano ba talaga natin makakamtan ang tunay na pagbabago. Ipaliwanag sa kanila na hindi lamang sa pagpapalit ng taong iluluklok sa kasalukuyang gobyerno makakamit ito. Pursigidong ipaunawa sa kanila na nasa kanilang sama-samang pagkilos lamang nanggagaling ang solusyon sa problema ng bansa na problema rin nila.
today
November 2007
October 2007
May 2007
April 2007
October 2006
August 2006
June 2006
May 2006
April 2006